h1

First Love VS. You

July 10, 2008
dalawang araw na kong nagmamarathon ng one tree hill, kahit walang tulog carry lang. syet. pinaka susubaybayan ko talaga yun high school pa lang. at oo addict talaga ko. haha. at syempre damang dama ko naman ang mga pangyayari. huhu feeling ko nga lahat na lang narerelate ko sa mga pangyayari sa buhay ko. pero siguro masyado lang talaga akong imaginative. kung alam nyo ang istorya ni lucas at peyton pwes! nakakainis.. long time friends na naging sila then nagbreak then sila ulit then nagpropose si lucas at itong si gaga tumanggi. ang reason nya di pa daw sya ready. bullshit.

(proposal for peyton)

tapos ngayon may bago na si lucas si lindsay yung editor niya. okay sila masaya at mukha namang nagmamahalan. so lucas asked her to marry him and she said yes. but opcors.

(with lindsey)

so si peyton mamatay matay kasi super mahal pa din niya si luc. eh sorry huli na ang lahat. YUN LANG ANG AKALA NG MARAMI.

sa four years na naghiwalay sila ni peyton nakapag publish si luc ng book. (ayos nagrhyme. hehe) pangarap kasi talaga niyang maging novelist. syempre yung book about ke peyton. na ang nagedit ay si lindsay. nagmeet si lindsay and peyton at last dahil bumalik siya ng tree hill. naging nice si lindsay, she tried so hard to be friends with her though she was feeling so damn insecure. hello. ikaw na gawan ng book ng boyfriend mo. tae.pero it didnt work out it seems na mahirap talagang maging friends ang nakaraan at ngayon. (umangal mamamatay. haha )at oo.. ang sabi nilang lahat mahal pa ni lucas si peyton and vice versa.

so anu ba talagang point ko? naisip ko lang sa halos lahat ng napapanuod ko.. friends turned into lovers or lovers to into friends kahit anu pang gawin natin, there’s still love diba? sabi nila once you love a person it never fades away. “maybe a little less or a bit differently but you never stop loving them.” -sabi yan ni ate shawee sa kung ako na lang sana movie nila ni aga. haha. :) totoo ba talaga yun? eh lalo na if you had history together. and so panu kung totoo nga?

ewan. patayin niyo na lang ako kung ganun nga. haha (walang magrreact.) mahirap ata yung feeling na alam mu naman na may something talaga kayo, its just that everyday youre worried if he’s still thinking about her. its like great love vs. true love. or kung anu man. minsan gusto mong maniwala that its over pero dahil mapilit ka at di maka get over. alam na. hahaha

pero sa totoo lang..

mahirap mabuhay sa mundo ng paranoia. para kang paulit ulit na nag su-suicide. di mu napapansin kinukulong mo na pala ang sarili mo sa mga thoughts that gently kills your relationship dahil araw araw madaming pumapasok sa isip mo. pero.. kung di ka maka alis aba! boy. magpatingin ka na. hahaha.

bat ba ang dami kong alam? wala lang. dinamdam ko kasi ang series eh. haha. (yun na yun wag ka na mag isip pa ng ibang dahilan.)

sabi nga ng boypren ko, “if its over, its over. para na lang bato.”

pero ikaw? kung ikaw ang nasa sitwasyon ni lindsay papakasalan mu parin ba sya? kung ikaw si peyton? papabayaan mo na lang ba sila? at kung ikaw si lucas? anu ba talaga?

syet.

haha

Leave a Comment